Monday, February 25, 2008
Kamukha mo 'yun lalaking nasa sine na pinanuod ko nung isang araw.
Naalala nga kita eh.
Napa-isip na naman ako.. Ano kayang ginagawa niya ngayon? Kumain na ba siya? Nabusog kaya siya? Sino kayang kasama niya? Anong iniisip niya ngayon? Nasaan kaya siya? School? Bahay? Dumudugo na kaya dila niya? Nakoooo.. etc..

Hindi ko na naintindihan 'yun sine. Iniisip na kasi kita hanggang sa matapos 'yun. Hanggang sa pagsakay ko sa jeep. Hanggang sa naka-uwi ako. Hanggang sa pagtulog. Hanggang sa hindi ako makatulog.. =s

Iniwan mo kasi ako. Tanga ko ren naman kasi hinayaan kita.
Mahal naman kita eh. Pero bakit nagkaganun parin? Parang hindi parin sapat na mahal kita. Hindi ko ba nabigay ang lahat? Nagkulang ba ko? Sabihin mo lang. Magagawan pa naman ng paraan 'yan, 'di ba?
Masyado ba kong controlling? Demanding? Selosa? Ano?? Pangako hindi na talaga. I'll be the ever understanding girlfriend that you want. Hindi na rin kita aawayin. Kahit na barahin, asarin, galitin, inisin mo ko, o kung ano pa man. Wala akong sasabihin.
Hindi na rin ako magiging maingay. Alam ko sobrang nakakahiyang kasama ako kasi masyado kong skandalosa.
Lahat ng ayaw mo sakin babaguhin ko.

Sabi mo sakin hindi mo ko iiwan. Hindi ka bibitiw.
Kaya nung nakipaghiwalay ka sa akin, inisip ko na babalik ka pa. Kaya hinayaan kita..
Araw-araw akong naghihintay sa tawag mo. Umaasa parin ako na babalik ka.

Hanggang nung isang gabi, nakita kitang umiiyak. Nilapitan kita at bigla mo akong niyakap. Sinabi mo na nagkamali ka. Na mahal na mahal mo ko at hinding hindi mo na ko iiwan.
Humahagulgol ako sa sobrang saya dahil narinig kong sinabi mo ang mga katagang kay tagal ko nang hinihintay na sambitin mo...


Teeteet teeteettttttt!!
Nagising ako sa alarm clock. 5:30 am.
Wow. Panaginip lang ang lahat. Niyakap ko ang unan at patuloy na umiyak..

8:00 am na nang nakabangon ako sa kama.
Late na ko.
Sinisisi kita. Kung hindi dahil sayo, hindi ako umiyak at hindi sana ako na-late. Kung hindi dahil sayo, hindi sana namamaga mga mata ko!
Bakit ba naman kasi sa lahat ng lalaki ikaw pa? Alam kong hindi ka pangit pero hindi ka naman gwapo. Palagi na lang ako nauubusan ng laway sayo dahil salita ako ng salita pero para naman akong walang kausap pag ikaw kasama ko. Ang kulit kulit mo pa. Daig mo pa mga bata kong pinsan. Tapos, reklamador ka pa. Ikaw na ata ang pinakamaarteng lalaki na nakilala ko.
Kaya takang taka talaga ako bakit ikaw?? BAKEEEET?

Gusto na kitang makita muli. Kaso paano naman? Eh hindi nga tayo nag-uusap. Hindi ko nga alam kung nasaan ka eh. Kaya pinanuod ko na lang ulit 'yun palabas na kamukha mo nga 'yun leading man dun. Na-isip ko, at least kahit sa sine nakikita kita.. kahit na hindi naman ikaw talaga parang ikaw na rin 'yun.. kahit na hindi kita maka-usap, mahawakan, o malapitan man lang, basta makita kita masaya na ko..
Na-isip ko na sana, ikaw na nga lang talaga 'yun leading man. At siyempre ako 'yun leading lady. Kasi dun mahal nila ang isa't isa. Pero tayo, wala na talaga..

Bakit ba ko nagkaka-ganito?
Kelan ba ko matututo?

Nakaka-inis kasi mahal na mahal parin talaga kita.
Kelan ba ko magigising sa katotohanan na, hindi mo na ko mamahalin muli..



-- This is dedicated to all my ladies who still want their ex-boyfriends back :))

-- If you think you are this person who I'm talking about, I'm sorry but, YOU'RE NOT.





Nawawala 'yun green highlighter ko =( Care to donate? Haha
posted by janelleregina at 11:53 AM |



0 Comments: