Saturday, March 1, 2008
I am surprisingly done with my powerpoint presentation =) *Woot!woot!*
So I can update all I wanttttttttt. Errrrr. My addiction's back ya'll.
Obyus na obyus ba? ;p



So kanina...
Pagdating ko sa school, dumiretsyo ko sa AS building. Nanhunting ng prop pero wala akong nakita. Waaaaaa. Halos mangiyak ngiyak ako dahil excited pa naman akong makita sila at balitaan ng isang napaka-pangit na balita. Pero na-excite talaga ako.
Hindi ko sasabihin sayo kung ano 'yun balita ko. Bakit? Prop ba kita? I don't think soooooo...
So lumabas ako ng luhaan. Dahil wala akong napala sa pag-gising ng pagka aga aga. Pers taym kong maligo ng tulog. Alam mo 'yun tipong nasa cr na ko pero naka-pikit. Naupo ako sa inidoro at nakatulog. Seryoso. Ikaw ba hindi mo pa 'yun na-try? :)) Nagising lang ako nung napansin kong nawala 'yun heater sa shower.
DAAADDDDYYYYYYYYYYY!!!!!!!!!!
ako: Nasan na 'yun heater??
daddy: Nasira eh. Dun ka na muna maligo sa kabilang banyo.
ako: Hah?! Eh wala ngang heater dun eh!
daddy: Kaya nga.
ako: Hah?!
daddy: Para hindi ka masyado ginawin. Naka-bukas kasi bintana dito eh.
ako: Edi isasara ko na lang.
daddy: Hindi nasasara yan.
ako: Hindi nasasara?
daddy: Oo.

Umagang umaga di ba, ang malas ko na. DEFINE BADTRIP. Nagpunta ko sa kabilang banyo para maligo..

Sooooobbbraaaanngggg lllllaaaammmmiiiggggg... *ngut.ngut.ngut.ngut.ngut...*
(tunog 'yun ng ngipin ko na nangingig ng kusa sa lamig) :))
The whole time na naliligo ako, nanginginig ako. OO. Totoo. Hanggang sa natapos ako. Nginginig nginig parin ako. Nakakaloko talaga pag walang heater sa umaga. Wrong timing pa at ngayon pa sobrang lamig ng panahon. Ano ba naman toh, di ba? Vadthrifff.

Edi paalis na ng bahay.. nagpapaalam na si Linda sa akin. Aalis na daw siya. Hindi ko kaya siya pinansin sa sobrang badtrip ko at nilalamig parin ako. Pati asar ako sa kanya 'cause she's soooo letting me down, ya know. Wala na kong taga-laba ng damit ko. Huhuhu Nyeta ka, Linda. Bumalik ka ha. Pagkatapos ilibing 'yang asawa mo, kunin mo na 'kagad 'yun anak mo sa Nueva Ecija tapos bumalik ka na dito, ha! Hay nako ka. Ang sakit mo sa ulo ko.
Ano raw?
So nung dinedma ko siya, dumiretsyo ko sa garahe. Kukulitin ko sana si Greta (aso ko yan), kaso wala siya sa dog house. Putcha. Onga pala inooperahan siya. Wahuhuhuhuhu. Lungkot lungkot naman ng buhayyyy. Mimiss ko na aso kowwww. =( Na-miss ko 'yun amoy tae tuwing umaga pag papunta sa kotse. 'Yun mahahaba niyang kuko. Wala lang. Ang haba eh. Malandi ren aso ko tulad ko. Mana sa amo. Pero miss ko na talaga siya..
Makidalamhati ka naman sakin, please? Salamat =D

Back to the no-show professors at school, BADTRIP nga. So lumabas ako ng luhaan. Pero nakita ko mga prends ko sa school! Kaya nakalimutan ko na badtrip ako.. hahahaha Hambilis talaga.

PAST PORWARD>>>

Kumain kami sa school canteen ng pasta with white sauce, in short carbonara, pero mas cute 'yun pasta namin. Fettuccini-ish nga eh. Sosyal! BONGGA!

Okay stop.
PAST PORWARD>>>
Was at McDonald's with Mariz.
Super usual daldalan, chismisan, kulitan, tawanan, landian, at kung anu-ano pang an-an ang naganap.
Na-aamaze parin ako sa dami ng HELLO KITTY COLLECTION ng Mcdo. Napatanong pa ko kay Mariz kung binibenta ba nila 'yun.. Kasi gusto ko bilhin lahat.
Baka maging bilyonaryo ako.
Kung bakit, eh hindi ko rin alam.
Kulang pa 'yan. Apat na tokador yan. Pero 'yan lang nagkasya sa cam ko. Sobrang lapit kasi namin kaya di nagkasya lahat.
Calling all suitors!! Calling all boys!! Ehem ehem.. :)) I *cough* want *cough* it.
Sasagutin kita in an insant. Promise. Maging sino ka man. 'Wag ka lang maging hayop, punyeta ka.

MARIZ'S MINI TINDAHAN (O, di ba, parang tongue twister? 'Yun Mariz's part lang haha)

---> Business woman ang bruha. May dala dalang malaking paperbag na punung-puno ng sitsirya. Ano ba naman 'yun, SITSIRYA. Ampanget. O ayun nga, nagbebenta ng pagkain ang loka. At naging customer ako :)) All time Judge bubblegum fan ata ako. Sarap na sarap ako sa Judge kasi lasang colgate =D BWAHAHA :)) Bumili din ako ng Flat Tops at Chocochoco. Kasi na-miss ko sila kainin. 21 pesos lang lahat. Wuhoo!! Ambabaw talaga ng kaligayahan ko. Siyempre nasa Mcdo kami tapos nagbebentahan kami dun ng mga ganyan di ba? San ka pa.


CHUMISMAX AT NAKIUSYOSO SIYA.

Sa notebook ko. Dami secrets diyan. Pero di ko sasabihin sayooooooo. SECRET NGA EH.

Isn't she cute? :))
Pansinin niyo with every picture, pa-landi siya ng pa-landi. HAHAHA O, Mariz 'wag mo kong papatayin. Minsan lang 'yan. Ika nga, release the landi in you!
Hindi ko nga alam san ko napulot 'yan eh.


Nag-jeep kami papuntang Trinity. Naka-pasok si Mariz sa loob ng school campus without surrendering any ID's or whatever. Naka-pasok pa nga siya sa loob ng classroom eh. At nakapagbenta pa siya ng mga nilalako niya sa isang block sa Trinity. O ha! Bumibisnes ang gaga. Take note, Thomasian po siya :))
Pero bago nangyari 'yun, nakasalubong ko 'yun crush ko sa canteen. OMGAHHH. Ang gwapo niya peste. And to make matters worse, lalo pa siyang gumwapo habang ako, pumapangit ng pumapangit. May mas sasaklap pa ba dun??



Turns out, meron pa pala..

Nagpunta kami sa wake ng dad ni Jasper pagka-galing sa school. His dad passed away last Monday. Heart attack. Sa totoo lang, kahit na hindi kami gaano ka-close ni Jasper, sukdulang lungkot ang naramdaman ko nung nalaman ko ang masamang balita. Takot na takot ako sa reyalidad at posibilidad na pwede akong mamatayan ng isang mahal sa buhay. (Puro dad dad dad, ayan dad nga talaga 'yun namatay. O tama na.)
Pero nung nandun kami, tawanan pa kami kaya ng tawanan. Jusko. Hindi na naubos mga katatawanan at kagagahan naming apat nila Dale, Mariz at Jasper. Parang walang namatayan at wala kami sa burol at hindi namin kaibigan ang namatayan.. Dahil puro kain, actually LAMON, ang inatupag namin sa burol kanina. Lamon kain lamon kain lamon kain lamon kain. Totoo. Sumakit pantog ko kakatawa. Nu ba naman 'yun.
Pero nung nagdasal kami sa harap ng ataol, napa-tahimik talaga ako. Lahat ng saya sakin parang na-higop nung mga bulaklak sa paligid ko. I didn't expect myself to seriously pray kasi hindi ko naman talaga nakilala 'yun tatay ni Jasper, pero nagdasal ako. Nagdasal ako ng mataimtim at lahat ng nais kong iparating sa Diyos ay nanggaling sa puso ko. Pati ako nagulat sa sarili ko.
Pero kung alam mo lang talaga kung gano ko nangilabot nung nandun kami sa tabi ng ataol. Halos matanggal lahat ng balahibo ko sa mga braso at hita.
Pramis.


Nag-grocery kami nila Dale and Mariz sa Metro. Tamang tama at meron kaming stop-over bago umuwi. Bumili sila ng mga ipanglalako nila bukas sa UST. Pati ako naki-sali :))
Kaya, OO. Magbebenta rin ako ng mga sitsirya, pero sa Trinity. Na-tuwa naman sila Dale. Omg may branch na tayo! :)) San ka nakakita ng naglalako ng sitsirya tapos may branch??Arudyosko. Mamatay matay ako kakatawa :)) :)) :)) :))

Pag-uwi, sabay kami ni Mariz. Kasi pareho lang kami ng village. Pero ako sa gate 2, siya sa gate 7. Ganun talaga village namin. Maraming gate. Tapos marami rin kaming villages sa loob ng village namin. Imaginin mo na lang kung gano kalaki village namin :))
Sumakit kaya panga ko kakadaldalan namin.
Sa dyip, daldalan.
Sa fx, daldalan.
Sa kalye, daldalan.
Sa traysikel, daldalan parin.

Hindi ka pwedeng sumama sa amin kung ayaw mo ng ingay.

Nung bumaba ako ng tryk, tumawag ako kay daddy..

ako: Dad.
daddy: O, nasa gate 3 ka na?
ako: Opo. (aba psychic talaga 'tong tatay ko kahit kelan)
daddy: O hintayin mo ko susunduin na kita.
ako: Okay.

After 5mins na nakatayo dun sa tabi ng guard, wala pa rin siya. Eh hello? Siguro kung nilakad ko 'yun wala pang 2mins nasa bahay na ko. Kung naka-kotse ka wala pang isang minuto 'yun. Kaya takang taka naman ako bakit wala parin tatay ko.
Gusto ko na talaga maka-uwi kaya naglakad na ko. Pero kanina, pers taym ko rin matakot maglakad sa gabi. Pano naman. Walang kakotse kotse. Walang ni anumang hayop. Maski tao wala.
Kaya naman nung naka-kita ako ng isang mama na naglalakad patungo sa direksyon ko, kinagat ko dulo ng dila ko. AYPUTA. Naalala ko pang-aso lang pala 'yun. Takte! Hindi siya aso, pano na 'yun??? Na-isip ko baka gumana na rin 'yun sa kanya kung manyak man siya o holdaper. Maryosep, ang kaba ko talaga. Nilampasan niya ko at patuloy na naglakad papalayo sa akin.
Na-isip ko, baka natakot rin siya sakin. Kumbaga, nagtakutan lang kami :))

Pagdating sa bahay, wala si daddy.

Kring kring! (cellphone)
ako: Dad! Nasan ka?
daddy: Nandito na ko sa gate 3, nasan ka??
ako: Nasa bahay na. Anong ginagawa mo diyan?
daddy: Sabi mo magpapasundo ka!
ako: Nasa bahay na ko, dad. 'Wag mo na ko sunduin. 5minutes na ko naghihintay diyan kanina. Ang tagal mo.
daddy: Ah, o sige. Uwi na ko.

WHAT!! Parang ang manhid ng tatay ko noh? :)) Parang lang naman.
Pagka-dating niya sa bahay, hindi niya ko pinapansin.
Pinapaabot ko 'yun tubig, todo dedma si father. Mygoodness. Ang labo talaga ng tatay ko :))


THE END.




Ganyan daw ang buhay ng isang estudyanteng walang ginawa kundi magsulat ng case doctrines. 'Wag niyo ko tanungin kung ano 'yan. Hindi ko ren alam. (title)


posted by janelleregina at 3:59 PM |



4 Comments:

At March 2, 2008 at 6:48 PM, Blogger Dakilang Tambay said........
congrats at natapos mo na ung powerpoint presentation m..

ahhaha.. natawa ako at may sound effect pa ung pagtotoothbrush.. idol :)
 




At March 2, 2008 at 6:51 PM, Blogger janelleregina said........
=)) Jusko. Inisip ko nga muna kung anong uunahin ko eh and I seriously considered blogging first before finishing my powerpoint pres.

Oh and btw, hindi ako nagttoothbrush nun. Nanginginig lang ngipin ko =))
 




At March 2, 2008 at 7:05 PM, Anonymous Anonymous said........
Congratulations sa powerpoint presentation mo. Nagbabloghopping ako nang mapadpad ako dito sa site mo, sobrang tuwang tuwa ako sa article mo na ito, halos maluha ako sa katatawa lalo na dun sa may sound effects pa ng ngipin hahaha.

Kung ok lang sa yo, i-link kita huh para makabalik ako uli dito ;)

happy sunday!
 




At March 2, 2008 at 7:14 PM, Blogger janelleregina said........
Awwwww.. :">
Pinataba mo puso ko sa komento mo. hahaha Salamat =) Buti naman natuwa ka.. hehe
Go, link lang ng link! I'll add you up in my list too =)