Ayan ka na naman. Humahabol sa pag-ibig na tila'y mailap. Ano ka ba? Tulad ng kanta, 'di ka na ba natutuo? Anong akala mo sa sarili mo, santo? Martyr? 'Di ka na ba nagsawa? Eh kung ikaw kaya pagsawaan ko..
Ang manhid mo. May hangganan din ang pasensya ko. Lagi na lang kasi ako ang nagpapasensya sa iyo. Pag nanliligaw ka, kelangan mo payo ko. Pag may date ka, ako napag-iiwanan. Pag may syota ka, itsa-pwera ako. Over ka na ha.
O! Split na naman kayo ngayon ng syota mo? Ano kelangan mo dito? Ano kelangan mo sa akin? Pang unawa? Pasensya? Pagkakaibigan? Ang kapal din ng mukha mo no! Di mo ba nage-gets na ang lahat ay may hangganan? Di na tayo bata no na madali bumalik sa dati pagkatapos ng away. Ulol! Walang Reset at Reload. Walang Saved Game sa buhay.
Anong hindi kita naiintindihan? Naiintindihan kita higit pa sa kaya mong unawain.
Naiintindihan ko lahat ng pasakit na dinaanan mo sa buhay. Ang mga kapalpakan mo at ang mga katangahang inatupag mo. Ilang beses na ba kitang binalaan? Magkanda paos-paos ako sa iyo.
Naalala ko pa 'yung mga una mong kinawilihan. Tuwang tuwa ako dahil napasaya ka. Maganda ang kaniyang naidulot sa buhay mo. Natuto ka magmahal. Natuto ka magtiis at magsakripisyo. Natuto ka umunawa. Natuto kang ilagay ang kapakanan ng iba una kesa sa iyo. Eh, umalis siya sa buhay mo. Natuto kang malungkot. Natuto kang magalit sa mundo. Pati ako dinamay mo.
Kung anu-anong inatupag mo. Lahat pinahirapan mo. Marami kang nasaktan, pati ako inabuso mo. Tahimik lang ako ditong sinusubaybayan ka't paminsan minsan binabalaan tapos ginaganyan mo na lang ako.
Nasasaktan din ako no =(
Alam ko galit ka sa lahat. Galit ka sa mundo. Galit ka. So?
Isa lang solusyon diyan sa suliranin mo. Mahalin mo ako. Hindi kita iiwan. Hindi kita pababayaan. Hindi kita malilimutan. 'Wag mong kantahin at baka mag parang punerarya dito. Hindi ako nagbibiro. Ako naman ang i-date mo. Bilhan kita ng damit, gamit, libro. Sine ulit tayo. Hindi ba okay 'yun? Tayo naman ang maglakbay sa iba't ibang lugar. Mag-gym tayo. Ang tagal na nating hindi gumigimik.
Ano ba kinatatakutan mo? Tingin mo ba'y nag-iisa ka? Ba't mo ba ako hindi kayang mahalin? Hindi mo ba naiintindihan na kung wala ka, wala ako? Buhay kita no, at wala nang hihigit pa dun.
Hindi magbabago ang mga damdamin ko sa iyo. Ikaw lang itong nakakalimot lagi.
Hindi ba ko karapat-dapat? Sa tagal ng pasensya ko sa iyo? Sa tagal kong nagtiis? Hindi mo na ba ko kailangan?
Ay, ewan ko sa iyo! Ang tigas talaga ng bumbunan mo. Minsan talaga hindi ka nakikinig eh. Tulad nung sinabihan kita na "walang bisa ang beauty soap sa pagpatay ng skin germs.."
---This is dedicated to some friends who are in grief at the moment.
mag-safeguard kayo ha...


bolera ka pala. kung maganda lay-out ko, salamat sa blogcrowds. sila me pakana nang ganung design e. pero kung magpapaturo ka, ok lang basta kaya ko e.
o sya, balik, balik ka na lang sa portal ko kahit madalang ako mag post.
kakainggit ka nga, anghaba ng mga entry mo... ansipag!