WARNING:
CONTENT MAY JUST WASTE YOUR PRECIOUS TIME
Forgive me, but today was SUCH a disaster, I don't even know where to begin. Fcuk.
Let's just pretend that I'm drunk.. REALLY DRUNK. Or drugged. Whichever.
-------------------------------------------------------------------------
For Lani:
Tangina mo Lani. Mamatay ka na! Ano ba ko? Target mo at ako ang palagi mong tinitira. Putangina pwede bang tantanan mo na ko? Sobrang insecure mo naman sakin. Lahat na lang ng paninira sakin ginawa mo. Ang tanong, MAY NANIWALA BA?? WALA. Okay? Kaya tama na. Stop humiliating yourself, bitch. At alam mo, lahat ng fake accounts mo sa friendster utang na loob, burahin mo na. Nakakahiya naman dun sa mga taong kinuhaan mo ng mga pictures nila noh! Ang abnormal mo talaga.
For my PMS:
Bakit ngayon pa?? Ano ka ba naman. Palagi ka na lang wrong timing. Nakakabanas. Marami akong dapat puntahan ngayon na hindi ko napuntahan dahil sayo. Kaya sinusumpa kita!!! Arghhhhhhh!!!! Nyeta.
For my mom:
Naiinis ako sayo mommy. SOBRA. Kung alam mo lang talaga. Buong araw na namamaga mga mata ko kakaiyak dahil sa galit ko sayo. Pero hindi ko na sasabihin dito bakit ako nagagalit sayo. Mahal parin kita at hindi kita kaya ipahiya sa mga taong nagbabasa ng blog ko. =)) Hindi ako nagbibiro. I'll save my rants about you when you go and knock on my room. Promise aawayin talaga kita. I am in so much pain because of you. Why mom?? WHY?! Fcuk.
For my post-it pads:
Mga lintek kayo. Tatlong pakete kayo last week ah! Bakit ngayon isa't kalahati na lang?? San napunta 'yun iba? Punyeta. Bakit kasi hindi kayo nakakapag-salita. Edi sana nasabi niyo sakin na paubos na kayo. Edi sana nakabili ako kagad sa bookstore. Anak ng-- Leche!!
For *sobrang-obvious-na-ikaw-'to-pero-di-ko-parin-pprint-name-mo-dito*:
Nakakainis sana hindi ko na lang sinabi na crush kita. Sana hindi mo nalaman. Sana wala na lang nakaalam. Para sana hindi nila tayo inaasar. Kasi may girlfriend ka naman. Kaya hindi tayo pwede. As if naman pagpapalit mo girlfriend mo sakin eh saksakan ng pangit ko compared naman dun sa modelesque mong syota. Bwiset ka. Mamatay ka na. Pati kasalanan mo ren naman kasi ang chismoso mo rin pala! Kung di ka kasi nakikiusyoso edi sana hindi mo nalaman na crush kita. Pakyu ka! Leche.
For Linda (household helper namin):
Ano ka ba naman? Aalis ka na? Eh pano na mga damit ko? Sinong maglalaba nun? Hindi naman malinis maglaba si Gloria. Punyeta dapat nga siya 'yun marunong maglaba kasi pangalan niya Gloria. Gloria Labandera. POTA. Hindi nga. Sino nga magalaba ng mga damit ko?? Papalaundry na naman kami? Antoxic nun! 'Wag ka na umalis! Hintayin mong makakuha kami ng bagong labandera, ano ka ba naman. Maawa ka sakin. Pati may utang ka pa sakin na 350pesos. =)) Pwede ko na 'yun pang-lunch at dinner sa isang araw. Hoy, Linda! Hindi ka pwede umalis.
For my lunch:
Ang lamig ng kanin ko. Ang lamig din ng ulam ko. Tapos 'yun juice mainit. Baliktad amputa. Kaya kayong mga lalaki na nagbabalak akong pakasalan. THINK AGAIN. Hindi ako ang aswang na hinahanap ninyo. Asawa pala. Hindi ako ang asawang hinahanap ninyo. Kaya tigil tigilan niyo ko. Ambabata niyo pa, maghanap nga muna kayo ng trabaho!
For *alam-mo-na-sino-ka*:
Ayoko din ng pakiramdam nang nababasted. Pero babae ako, kaya hindi ako nababasted dahil hindi naman ako nanliligaw. Although, matagal ko nang pinapangarap na mangligaw. =)) Pero alam mo, mas ayoko 'yun ako 'yung nambabasted. GETS MO? Sana magets mo. At sana mabasa mo 'to. At kung mabasa mo nga, 'wag kang tatanga tanga, SASAMPALIN talaga kita.
-------------------------------------------------------------------------------------------
I still have a lot to rant about pero hindi ko na talaga kaya. Baka masira ko na 'tong keyboard at nanggigigil na talaga ko. Pati buong araw na nakabukas 'tong computer. Fcuk.


easy..^__*
npadaan lng po at nakibasa.