Friday, February 8, 2008
"Hello?"
"Ja?"
"Sinoto?"
"-----"
(putasheeeeeeeeeeeet)
"Hi." - todo ngiti kala ko magsasalubong 'yun dalawang dulo ng labi ko sa likod ng ulo ko =))
"Bakit hindi ka nagrereply sa messages ko?"
"Uh-- Eh ano-- Kasi.. uhm.."
(utang na loob naman, Ja. Act, or at least sound normal, for once!! PLEASE!)
"Ha?"
"Ano.. kasi, may topak 'yun phone ko. I think."
"Ah. Ha ha. Thought you were mad at me."
"Ah.. hehe" -what the f---
"So, I called because Catherine wanted to know if.. uh.. you still want to change scenes 6-11 from the first act?"
"Ah. What do you think?"
(what do you think? What do you think?? Ang flirt mooooooooooo.)
blahblahbla...

Ang haba ng usapan SOBRA. Telebabad ba ito??
After nun, buong araw ko kaya siya iniisip. Daydream todamax ang lola moooo. At kahit na hindi naman niya ko gusto at hindi rin naman siya nagpaparamdam, feeling ko lahat ng love songs na marinig ko eh bagay sakin. Feeling ko bida ako sa isang corny at baduy na palabas, at siya ang aking leading man. Sa sobrang tuwa ko dahil, hello? Si ----- ba naman tumawag sa bahay? Wathafuuuuuuuuuccccc.." Ayun. Sa sobrang tuwa ko nga eh naka-sulat ako ng isang panimulang monologue para sa aking pangalawang script. Ohyeahbaby. =)
--INSPIRASYON--
Ito na. Ito na nga! Siya na ang lalaking hinihintay ko! Echos... siyempre davahh. Hindi nga niya ko gusto. At oo nga pala, meron siyang gerpren. =(( =( jusko. Lahat naman ng crush ko may minamahal na. Okay nga 'yun eh.

O teka. May ikkwento pa pala ako.

So anyway highway, Thursday ngayon. Meaning, novena day today sa may St. Jude.
Eto ang katangahan ni manang:
Never naman kasi ako nakakita ng kakilala dun at wala paren namang nakakapagsabi sakin na nakita nila ako dun sa simbahan na 'yun, so everytime na pumupunta ako dun NO PORMA talaga. As in tipong yung mga get up ko eh mukhang lalaki or mukhang manang or mukhang bata or mukhang panget. As in panget talaga. So, panget na nga ako diba? Saksakan ng panget na ko pag Thursday na.
So, in short, panget panget ako every Thursday.
Kanina, I chose to wear this pink manang dress. As in manang na mukhang-di-makabasag-pinggan-akala-mo-never-been-touched-no-boyfriend-since-birth na manang!! Aaaaagh!
Etong si ----- naman ang galing tumayming. Kumalabit sa balikat ko nung papunta ako sa line ng communion.
Hindi ko na maalala kung ano naging reaksyon ko. Basta ang naalala ko lang eh may sumigaw ng ARAY! Tapos may tumulak sakin papunta sa linya.
So ang ibig sabihin nun eh may natapakan ata ako.. Or nasiko? Or napalo?? Ewan ko! Jusmeh. Tapos napanganga ata ako nung nakita ko siya kasi naalala ko nung malapit na ko magcommunion, naramdaman ko na nakanganga lang ako. Yiiiiii. Kadire, buti walang napasok na insekto sa bunganga ko. Rar.
Pero nakakalungkot kasi nung pagbalik ko sa upuan namin ni daddy, hindi ko na siya mahanap.. hindi ako maka-concentrate nung nagnnovena.
PERO 'yun dasal ko was this: Lord God, sorry po! Sorry po talaga.. kasi hindi po ako maka-dasal ng maayos dito. Hindi ko naman sinisisi si ----- pero sana hindi ko na lang siya nakita! Sorry po. Sorry sorry sorry. Will try to focus na promise. Uhm.. Lord God, may isa po akong hihilingin.. =) Since nakita ko na po siya kanina at ngayon eh hindi na mapakali dahil hindi ko na siya makita ulit, pwede po bang pakita niyo po siya ulit sakin. Pease po? Pleeeaaasssse =)
PATHETIC.

Natapos na ang novena eh hindi ko na siya nakita ulit.
Pagkadating sa kotse may 1 missed call.
Si -----!!!!!!!!!!! Homaygahhhhhh...

And miraculously, there was a text message:

Went home already after the mass.
God Bless!

From: -----



Ang haba ng hurrrrrrrr ko. =) =) =) Kahit na wala namang kahit na anong meaning 'yun text message niya. Feeling ko paren haba ng hurrrrrrr ko.=) =) =)

Kasi tumawag na nga siya kanina, tapos nakita ko pa sa simbahan, tapos kinalabit niya kooooo, tapos tumawag ulit sa phone ko (pero di ko nasagot), tapos nagtext pa... hayyyyyy.

Soundtrip pag-uwi. Feeling ko lahat ng marinig kong love songs eh bagay sakin.
Parang sinabi ko na ata 'yun kanina pero, hello? Ano naman?? Eh feeling ko talaga. Haha Feeler ang gaga =))


*sings* Ang ganda koooo.. feel na feel ng long hair kooooo.. ang ganda koooo.. feel na feel ng long hair koooo... =) :) =X =)) :))





Everything I'm not.
posted by janelleregina at 3:53 PM |



0 Comments: