We were at Mena's condo's penthouse. Hindi ko alam kung gano kami ka-ingay nun pero naalala ko may nagbato ng medyas samin galing dun sa katabing condo na mas mataas ng konti sa condo nila Mena. Kasi naman sigawan ng sigawan.
Okay. Not good.
To think mga 3:00 am na ata nun at ang dami nang inaantok. Kaya naman kulang na lang eh magswimming kami sa dami ng kape na tinimpla. Nagyayaya pa sila Veron na mag-Starbucks. Josko. Eh ang layo layo pa nun. Kaya ang nangyari, eh inakyat na lang 'yun water dispenser tapos nagdala pa ng one extra gallon of water at sandamakmak na coffee sachets. Nag-akyat narin sila ng sugar and creamer. Tapos kanya kanyang thermos at mugs.
Meron nga rin palang 7 large plastic bags na punung-puno ng pagkain.
Tapos si Mena, nagpapa-akyat pa siya ng mga towels dun sa mga maid nila, para pag-pinawisan kami ek ek. Kawawa talaga 'yun mga maid nila. Hindi na naka-tulog dahil samin =( Haha
Sobrang nakakaloka 'yun rehearsals. Ang stressful pa. Pag breaktime, walang natutulog kasi lahat nag-aaral or nagmememorize ng lines for the production or nag-aayos ng schedule. Si Hannah naniningil ng fees. Si Mena kung anu ano pinaguuutos sa mga maids nila. Hay nako. VERY STRESSFUL INDEED.
Natapos 'yun rehearsals mga quarter to 6 ata.. Naligo pa 'yun iba.
Ako, sobrang nanlalagkit to death at medyo maasim asim na ang amoy, eh umuwi na. Sa bahay na lang ako maliligo. Edi nagpatawag na ko ng taxi dun sa guard nun condo tapos pagkasakay ko, sinabi ko kagad dun sa taxi driver san ako ihahatid. Tumango naman siya. I took that as a sign na alam niya kung saan 'yun sinabi kong lugar. So natulog na ko.
Maya maya kinakalabit ako nun driver, ma'am san ho ba yun dito? Nak ng-- pagkakita ko kung nasan na kami, nasa Fairview na kami mga kaibigan. Lagpas na 'yun. Haynakokokokoko.
So nag u-turn kami ng dalawang beses and the whole time, pinipigilan ko nang maka-tulog. Kahit na pipikit pikit paren mga mata ko. Dahil excited na talaga ako maka-uwi. Pagdating sa bahay, dedz ako sa sofa. Naka-tulog ako na may mga naka-sukbit na bag sa katawan ko. DEFINE INAANTOK.
Tapos asar na asar ako kasi wala pang 10mins ata eh ginigising na ko ni mommy. Aalis na raw siya, kung di pa ko naligo iiwan niya ko. Amputs. Edi fine! Tumayo na ko at naligo =(((((((
Pagdating sa school, naka-tulog ako dun sa guidance office. (READ: I'm not in any sort of trouble. May ni-request kasi akong letter kasi lilipat ako ng school kaya ako andun.) Right after ko maka-usap 'yun secretary na ang bagal bagal gumalaw, eh sumakay ako ng fx at nagpunta sa Starbucks sa Gateway. Omgaaaaaah. Sobrang nakakaloka talaga. Alam mo 'yun feeling na antok na antok ka na pero wala kang magawa kasi wala namang pwedeng matulugan?? Masaklap, I tell you. Masaklap talaga.
Pero ang tanga. Ang tanga tanga talaga. Kasi, meron nga palang Starbucks sa tabi ng school ko. Nagpunta pa ko ng Gateway!! 'Kala ko kasi sarado pa. Nang dahil sa maling akala, napalayo pa ko. Ang sama ng araw na itohhhhh. Hello, malas much.
Nung nasa Starbucks na ko, medyo na-gising na, nagtext si Mariz.
Metro kami ni Dale.
Sabay tayo umuwi.
Ibig sabihin, maggrocery daw sila ni Dale sa Metro (grocery-han sa may e. rod) tapos after nun, sabay na lang daw kami umuwi. So inubos ko na dalawang kape na in-order ko (siyempre dalawa. wa-epek ang isang kape lang eh.) tapos nag fx ulit papunta sa Metro.
So grocery grocery, tawanan ng tawanan, asaran ng asaran, kulitan ng kulitan, daldalan ng daldalan, joke ng joke, GETS MO? Imaginin niyo na lang kung gano kami ka-ingay =))
After mag-grocery, dumaan muna kami sa school kasi kukunin ko 'yun camera ko kay Jela. So trumespass si Mariz sa loob ng school, once again, this time with Dale :))
Nagbenta ng SITSIRYA sa dalawang section dun. Nakipaglandian sa girlfriends ko :)) Tapos umuwi na.
Si Dale humiwalay na samin. Hindi na raw siya sasama at may pupuntahan daw siya.
I wonder where? hmm..
Tapos nag-jeep, fx at tryk kami ni Mur papunta sa kanila. As usual, DALDALAN. Ano pa ba?
Tapos etong si Mur nahiya pang kalabitin 'yun tricycle driver kaya medyo napalayo tuloy 'yun binabaan namin. Amp. Halos mahimatay ako kakatawa. =)))) Kahit na hindi nakakatawa.. nakakatawa paren. You have to be there to know. Hahahaha
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
---(Okay BREAK MUNA. Nagtext 'yun ex ko. CLUE: Starts with the letter J. Ang obvious na niyan 'wag nang tatanga tanga. Sabi niya, Namiss kita. Ayjosko. hahahahhah Wala lang.)---
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Okay, pagdating kila Mur kinulit ko muna sila Paolo and kuya Carlo. Tapos siyempre daldalan hanggang sa nag-llunch na kami daldalan..
(Dale, nagtext na paalis na daw siya.)
Ako: Mur, san ba pupunta 'tong si Dale?
Mariz: Ewan ko. Hindi naman 'yan nagshshare eh. May boys yan.
Ako: Hahahahaha
Ako: Di nga. Saan nga siya pupunta?
Mariz: Magddota.
Ako: HAH?? Si Dale nagddota??
Mariz: Oo. Nagddota sila kasama highschool friends niya every Saturday eh.
Ako: Ganon?
Mariz: Oo. Ganun sila talaga.
Ako: (GULAT NA GULAT)
So that's where he's going. Dota with friends. Kaya inasar ko si Dale sa text:
Ako: Yes. Nagddota ka pala. Haha
Dale: Of course.
Ako: I thought only REAL boys play dota. Hahaha kala ko ba girl ka? Loka.
Dale: I'm like 1/16 boy. Yuck. Haha
Ang landi mo Dale Reciña. Hahahahaha But I love you, gorgeous.
Kung friend mo si Dale sa multiply matutuwa ka dun sa picture niya na may hawak siyang flower. Go girl! Flower Power ito :))
TAE. Tama na nga.
Anyway, nagbabalak pa kami ni Mariz na magpunta sa isawan malapit kila Starr. Unfortunately, biglang dumating sundo ko. So. Malamang hindi natuloy. So 'yun nasa Twitter ko, mali 'yun. Hindi nga kasi natuloy 'yun little isawan trip namin.
Pinag-uusapan namin ni Mariz how much we miss eating isaw. Tas bigla niyang sinabi na may formaline daw 'yun isaw. PUNYETA. Kadire.
Dun na nga lang ako sa Calamares Stand nila Tita Gwen at Jela. Formaline free. Haynako. Salamat sa pag-inform Mariz. Nawalan ako ng gana kumain.
:))
PS sobrang walang kwentang entry.
PPS pero kung tinapos mong basahin, CHEERS TO YOU!! =)
Si Errold na-iinlove na ata dun sa crush niya. Kung sino man 'yun. Aray ko.


kc tinapos q basahin..
and what can i say....uhhmm.
may formaline pla ang isaw?
nw q lng nlaman..
tnx for the info.^__*
goodluck for watever it is that u've been practicing.