OO.
'Yun sa church, dood.
Yesterday, March 2, was my first meeting evar at ako lang ang bago. SO. Kamusta naman ang special treatment sakin. Senyorang senyora 'ko.
"O, Janelle, may softdrinks ka na ba? Sandali kuhaan kita." , "Miss Janelle, kinuhaan ko na po kayo ng pagkain niyo." , "Janelle, lika dito explain ko na lang sayo 'to para di ka mahirapan." , "Janelle, nagpasukat ka na ba ng uniform? Lika samahan na kita." , "Miss, pwede makuha number mo?"
Arudyosko. May nagka-crush pa ata sakin. ANO BA. Artista?? Haws dat.
Pero in fairness matitigas din mga ulo nila. Kahit na ilang beses ko nang sinabi na, hindi ako na lang. Ayos lang ako. I can manage on my own. Sige ako na lang po. Hindi, okay na po ako.. Sumakit ata panga ko kaka-ngiti sa kanila everytime na magpupumilit sila na gagawin nila ang isang bagay para sa akin. Juskooooo. I feel so baaaaad.
Na-isip ko kasi baka isipin ng ibang tao na, ang feeling ko naman. Sino ba ko??
Ack! Lord God, 'wag naman po sana. Rar.
Anyway, ito lang 'yun eh. Mababait sila lahat. Salamat sa kanila at hindi ako masyado kinabahan kasi hindi ako na-left out. Kumbaga parang nasa bahay lang ako at kapamilya ko sila =)
Salamat salamat salamat!!! (a gazillion times..)
So come 4:00pm, training proper na dapat. Kaso wala si Tita Alice, 'yun trainer namin, so the other tita's decided to train me alone. Waa--aat?? Ang kaba ko ba naman bigla. Muntik ko na kaya ma-dura 'yun kinakain ko.
Pero okay. Wala naman ako magagawa. Alanganamang tumanggi ako, di ba? So tumayo ako at nagbasa ng first reading and second reading.
Tita Joyce: Okay na. Mag-daily mass ka na muna. Wala nang Sunday mass na natira eh.
Tita Lorie: Onga. Kelan ka ba pwede?
Ako: Kahit anong araw po, basta sa morning lang po.
Tita Lorie: Okay. Ano gusto mo 6 or 7?
Ako: (gulat na gulat) Ho?? AM po 'yan??
Tita Joyce: Oo, eh sabi mo mornings ka lang pwede, di ba?
Ako: Ah, opo. Hehe (juskoo.)
Tita Lorie: O, ano? 6 or 7 ka?
Ako: 7 na lang po.
Tita Lorie: Okay start ka na bukas.
Ako: (mas gulat na gulat na) BUKAS NA PO?!
Tita Lorie: Ay bakit, hindi ka ba pwede?
Ako: Ho?? Ah eh.. Okay lang po. O sige po.
Ayayay. Patay patay na. Kamusta naman ang first meeting ko no. Sabay bukas na daw una kong serve. Wow na wow di ba.
Pero since pwede naman talaga ako, hindi ako pwede tumanggi. Lalung lalo na kung para sa Diyos. Naku. Baka pag tinanggihan ko 'yun ako naman ang tanggihan ni Lord. Aray ko naman. Eh nalulunod na ata ako sa dami ng problema ko ngayon no. Napa HELP ME GOD na lang ako, sa kaba ko.
I was instructed to find Tita Tessie 20minutes before the mass. I was like, sino si Tita Tessie? Naknang. Yuhoo!! Disaster ito :))
Edi 7:00am nga 'yun serve ko kanina di ba...
nagising ako ng 6 although ginising ako ni daddy ng 5. Asar na asar siya sakin kasi everytime na babangon ako, 'pag umalis na siya matutulog ako ulit :))
Tumayo ka na, ang tagal tagal mo pa namang maligo at mag-ayos.. Tayo na!!
I was like, putek onga pala. Natakot ako baka mawalan ako ng oras magpa-ganda kaya tumayo na ko. Maarte ako. OO.
Tapos nagpunta ako sa banyo at syempre naging isyu na naman 'yun walang heater. Maloka loka 'ko. Hindi ko alam kung pano magmamadali sa pagligo dahil ang lamig lamig. Sa kakamadali ko nagtwalya na ko tapos palabas na ko ng cr nang naalala ko, hindi pa pala ako nagshshampoo. ANUBEH. Kaya bumalik na naman ako sa shower area at nagbasa na naman. Grabe. 'Yun na ang pinakamalamig na momento sa buong buhay ko. Hay nako. Hassle ang walang heater sa umaga, I tell you. HASSLE TALAGA.
So, nagbihis na ko nagpaganda at kung anu ano pa. I was very manang-like. Thank you very much.
With a white blouse, black skirt and black pumps. Thank you talaga. Haynakoooo. Pinagtatawanan ako ni daddy the whoooooole time. Thank you thank you. Goddddd, makakailang thank you ba ko dito. Jusko.
Pagdating sa St. Peter's (yes, the one beside Convergys) hinahanap ko kagad si Tita Tessie. Nagpapanic na ko to death at 6:50 am na. LATE. Eh kelan ba naman kasi ako hindi na-late. Psshh.
Para akong nawawalang manang dun na sabi ng sabi ng, si Tita Tessie po? sa lahat ng makasalubong na kakilala. Unfortunately, wala pa si Tita Tessie.
Tapos biglang umakyat si Tita Nell sa podium. HAH?? Siya ata 'yun magsserve.
Ako: Tita Nell! Tita Nell!
Tita Nell: O, bakit?
Ako: Kayo po ba magsserve?
Tita Nell: Oo. Bakit?
Ako: Akala ko po ba si Tita Tessie? Siya daw po magttrain sakin ngayon eh.
Tita Nell: Naku. Hindi siya ang naka-schedule ngayon.
WHAT?!?!
Tinawagan ni daddy si Tita Joyce and it turns out that, mali si Tita Nell. Hindi kasi siya nag-attend ng meeting kahapon so hindi niya alam na hindi pala siya ang server ngayon. Pero wala na kami lahat magawa kasi kami kami lang naman ang nandun. So sabi ni Tita Nell, siya na lang muna magtrain sakin.
OKAY.
Hindi ako nagbasa ng first reading dahil hindi ko alam kung nasan sa Bible 'yun gospel. Mawawala ako, 'day. So nag-prayers of the faithful na lang ako.
Aba, after the mass may mga nagpapalakpakan sa likod ko. Kala ko pinapalakpakan si God or 'yun pari. So nakipalakpak naman ako. Pag lingon ko sila daddy along with the other lecom's were clapping. Standing ovation pa. Ako pala pinapalakpakan nila. Wuhoo!! OKAY LANG KAYO? Para akong nag-recital ah :)) May fans. Pero pinataba niyo puso ko. Salamat ulit =) =) =)
But the whole experience wasn't at all easy for me.
The whole time ninenerbyos ata ako no. Takot na takot ako at baka ma-tapilok ako at sumalampak sa sahig sa harapan ng altar. O kaya naman baka bigla akong mabahing habang nagbabasa. Hay nako. Nakakatakot talaga. Lalo na't kating kati na ilong ko dahil sinisipon ako kaninang umaga dahil ang lamig lamig nga. Tapos galit na galit ako sa sarili ko after communion. Pano ba naman, sa altar kami nagcommunion kasi, tapos nakalimutan ko mag-bow. Waaaa. Sobrang disrespectful. I hate myself. Hanggang ngayon masama parin loob ko dahil nakalimutan ko gawin 'yun. Baaaddd.
Next time hindi ko na makakalimutang mag-bow. Pramis.
Sosobrahan ko pa bow ko.
Basta bow forevarrrr.
Ms. Bow.
:))
Dumaan muna kami sa Fairview bago umuwi. May kinuha lang si daddy sa kapatid niya, tapos umuwi narin kami.
On our way home, nakakita si daddy ng Ponciana's.
Daddy: Uy! May Ponciana's pala dito.
Ako: (NR-- no reaction)
Daddy: (nakita 'yun sign na, "Bangus Festival") Uy! Bangus Festival.
Ako: (NR parin)
Daddy: Ano 'yun, puro bangus??
Ako: BWAHAHAHAHAHA =))
Jusmeh. Wiwing wiwi ako kakatawa. 'To talagang si daddy laughtrip kahit kelan.
Tapos asar na asar siya sakin kasi tawa ako ng tawa.
Hoy tumigil ka na. Kabagin ka dyan. Titigil ko 'tong sasakyan pag bumaho dito.
Leche :))
Nung nasa Commonwealth na kami binuksan ni daddy 'yun radyo.
AM station, as usual.
Mumamanang na talaga ako.
This is what happens to you when you grow up with your parents.
You grow up old fashioned.
- from my Post-it note
Tama tama.
May narinig kaming balita..
Isang mama papunta sa trabaho nang biglang pagbabarilin ng mga adik na teenagers.
Swerte na daw siya at balikat lang niya ang nabaril.
Sabi ng doctor na kailangan niya muna magpahinga at pumayag naman ang kanyang boss sa trabaho.
Ngunit na-konsensya ang lalaki at umamin sa mga pulis na hindi naman talaga siya nabaril.
Kinuntsaba daw niya ang isa niyang kaibigan para barilin siya sa balikat.
Bakit 'ka niyo?
Gusto daw niya magpahinga sa pagttrabaho.
PUTA. Ayos ah :))
Hello Jessica, Nica, Tessa, and Pearl =) Miss ko na kayo agad.
