*bow*
Bukas na 'yun buong kwento sa trip. Picture blog entry muna at pagod na pagod ako. San ka pa, kakauwi ko lang nagblog kagad. =))
High ako ngayon sa kape. Kaya update update update.
Bukas, kwento kwento kwento.
Orayt.
SM Baguio
March 29, 2008-- Earth Hour niyan. Kaya walang ilaw sa SM.
Nagdidinner kami, di-kandila. Sosy :))
Tapos binibigay pa niya sakin 'yun isa.
Souvenir.
Inistorbo niya kami ni Pam habang kumakain.
May naka-tusok pang lemon slice dun sa umbrella.
Ano naman gagawin ko dun??
Sosmaryosep eh sandamakmak naman ang ganon sa Manila!
:))
Seryoso pa siya na i-uwi ko daw 'yun.
Kahit kelan talaga.
Ang labo ng mga lalaki.
Haha
Camp John Hay: The Manor
Di sumama sila kuya and ate Net. Natulog lang sila :))
Ayan. Pinagttripan na naman ako habang kumakain.
Para daw kasi akong galit.
Ampfft.
Manor garden
Manor garden
Wright Park
Di ko din alam bakit dun kami nag-horseback riding.Parang puro squating naman andun.
Sorry for the term pero medyo nabastos kasi ako jan sa lugar na yan kaya..
Alam na...
Sorry talaga.
HayNAKO.
Gerona, Tarlac: Isdaan
Nag-early dinner kami sa Isdaan nung pa-uwi na kami.Kasi hindi kami nag-lunch.
Kasi nagbreakfast buffet kaming lahat nung morning sa Manor.
Lahat busog.
Nalugi ata yun Manor samin :))
Hello.
Talk about naka-ilang balik sa buffet table.
Ayan. Nung pagdating sa Isdaan, dumiretsyo siyempre sa Tacsiyapo Wall.
Wala pa kaming table.
Lahat gusto magbasag ng pinggan.
Fine.
Ako ayoko.
Nasstress ako pag may nababasag ako eh :)) :)) :))
Lahat sila naglabas ng sama ng loob.
Grarrrrr.
Lol
Left: Mike & PamRight: Ja & Mike
(Pagpasensyahan na si Mike. Naglalasing lasingan kasi.
Ang labo diba.
Hay josko)
para hindi kami makadaan ni Pam.
Ewan ko ba diyan sa dalawang 'yan.
Tignan niyo nga itsura nila
:))
Laughtrip.
Parang ano eh--
Alam mo na.
:)) Hahahahahaha :))
Josko parang dinaanan ng bagyo.
Ja: Shet. May tinga ata ako.
Pam: Eh kaya nga hindi ako ngumiti ng may ngipin eh.
Ja: (Habang nagtitinga w/ toothpick) Zoom mo nga tignan mo kung meron.
Pam: Mukhang wala naman.
:))
*yay*
NEWS FLASH.
NEWS FLASH.
NEWS FLASH.
Nung Sunday kasi, naglaro kami sa park ng Posessed (game na pinauso ni kuya haha-- sa next entry ko na eexplain pano mechanics nun).
Tapos nung pabalik na kami sa hotel, nadaanan namin si..
Ja: OMG. Si Remulla!
Kuya: (kinawayan si Remulla) Gilbert!
G. Remulla: Uy! Kamusta!
Kuya: Ayos naman! Sige!
G. Remulla: Sige!
Ja: Kuya, kakilala mo siya?!?!?!
Kuya: Oo.
Ja: Siya yun crush na crush ko na congressman ehhhhhhh!!!!
SHEEEEHHHEEEETTTTT!!!
Kuya: O tara, balik tayo pa-picture ka.
Ja: AYOKO! 'WAG NA. Balik na tayo hotel. (namumula ng SOBRA.)
Tapos grrrrrrr talaga. Kasi nung nagddinner kami sa Isdaan, biglang dumating si Remulla!!!
Grarrrrrr.
Anubeeehhhhh.
Sobrang GADDDDDD.
Nako wala na talaga ako ma-sabi, tinawag na naman ni kuya at nagkawayan sila.
Pinipilit na naman nila ko magpapicture sa kanya.
AYOKO TALAGA.
Superkaduper nahihiya ako.
Makita ko lang siya sa tv eh namumula na ko eh.
Maka-harap ko pa kaya siya!!!
AAACCCKKKK!!!!!!
So ayun.
Dinaanan namin yun hut nila sa Isdaan bago umalis tapos tumakbo na ko para hindi na kami mag-picture picture. hahahaha
Nahihiya talaga ako.
Gusto ko magpapicture pero, 'wag na lang.
Nangangamatis na sa pula mukha ko.
Tapos, nagstop over kami sa shell gas station sa may highway.
Nag-kape at yosi break sila kuya and ate Net.
Kami nila Pam and Mike nagstay sa loob ng sasakyan.
Si Mike nood na nood sa AVP 2.
Eh napanood ko na 'yung sobrang madugo at nakakadiring palabas na 'yon kaya natulog na lang ako.
Si Pam, text tulog text tulog text tulog.
Ako naman, tulog na tulog nang biglang--
Ate Net: Janelle!! JANELLE!! Gising ka!! Daliiii!!! Si crush mo andito!!
Nag-cr lang!! Sinusundan ka!!!!
Nabulabog talaga ako sobra kasi inspite of the fact na naka-ipod ako eh narinig ko paren 'yun boses ni ate Net.
Josko akala ko kung ano na!
Ja: Huh? Ha? Sino sumusunod sakin?
Ate Net: (sinarado pinto)
Mike: Labas ka daw nandito 'yun crush mo.
WHAAAAATTT!!!!!
Nag-ayos ako kagad ng buhok. Kaso nung pababa na ko ng kotse, nagdalawang isip na naman ako. Peste.
Tapos, nakita ko si Remulla kausap na ni kuyaaaaa.
Babalik sana ako sa loob ng kotse kaso sinisigaw na nila kuya and ate Net 'yun pangalan ko.
Josko.
Ayun, nag-papicture naren ako.
Wala naren naman ako magawa.
Alanganamang tanggihan ko pa eh andun na siya!
Nakakahiya naman kung ganun.
So here it is:
In-edit kagad ni Ate Net.Parang mas kilig pa sila kesa sakin eh.
Pero siyempre, kilig na kilig naman ako todamaxxxxx.
Gaaaaaad.
Si Cong. Gilbert Remulla.
I ♥ him.
:))
Ito yun hindi in-edit.
Mas maganda naman 'yun walang vandalism sa picture.
Lol
Grarrr talaga.
Kakilig paren :))
Tignan niyo naman.Mukha akong yagit.
Halata bang bagong gising at hindi maayos ang buhok, kahit na ilang beses kong tinry na ituwid buhok ko nung ginising ako ni ate Net.
Pati ngiting ngiti naman ang gaga.
'Yang ngiti na 'yan hindi na naalis.
'Gang ngayon nakangiti paren ako,
Mygaaaah.
Okay.
Dyahe na kung dyahe
pero shet naman.
:))
Pagbigyan.
Na-meet ko ang ULTIMATE CRUSH KO.
Alavit.
Pag-uwi ko, parang lumiit naman bag ko. Hindi na maisara. Hmph.







pakipot ka pa jn..
hahaha..eh for sure, picture na picture ka na.
grabeh..!
nakawin ko picture nio ha?
nagpaalam ako.
hehehe~
a mishou talaga!
welcome back.