Pag nakakarinig/nakakabasa ako ng tungkol sa mga mag-syota na nagmeet sa internet (at minsan nagkakatuluyan talaga, magpapakasal at magkaka-anak pa), isa lang palagi ang reaksyon ko.
Psshh. Kalokohan.
Hindi ko kasi maintindihan pano ka magmamahal ng isang taong di mo pa nakikita. Pano ka nakakasigurado na hindi kasinungalingan ang mga sinasabi niya sayo.. Kung pano magwwork ang relationship niyo kung magkalayo kayo at di kayo nagkakasama. Siyempre gusto ko naman atang mayakap 'yun taong mahal ko. Ika nga nila, actions speak louder than words. Iba paren talaga 'yun nandiyan siya sa tabi mo, 'yung sigurado kang tangible 'yun karelasyon mo (hahahaha), 'yung alam mong pwede ka nga niya ipagtanggol sa mga umaapi/umaaway sayo kasi nandiyan siya. Totoong tao siya. Hindi siya computer/machine o kaya'y isang gawa-gawang character lang sa internet.
Gusto ko, pag sasabihin ko sa mga kaibigan ko na may boyfriend na ko, nandun siya sa tabi ko. Hawak hawak 'yun kamay ko.
Sa totoo lang, kinatatakutan ko ang salitang LOVE. Well not exactly the word itself, pero 'yun meaning behind it. We all know that love is this great overwhelming emotion. It's supposed to make people feel safe. Pero hindi nag-aapply 'yun sakin. Never akong hindi nakaramdam ng uneasiness pag nagmamahal ako. Because I don't trust love. Just as I can't touch it, smell it, taste it, or see it.
It's just there.
And it bloody frightens me.
Ngayon, kung ipapagsama natin 'yun cyber relationship and love na 'yan, aba'y ewan ko na.
=))
Hindi ko alam kung ba't ko ba sinasabi tong mga to.
Siguro sinasabi niyo na, napaka-ipokrita ko naman. Kasi kung kilala niyo ko at madalas tayo nakakapag-usap eh alam niyo na siguro ang istorya ko. Hahaha
'Wag muna kayo maghusga.
Totoo naman lahat ng sinabi ko no. Pero ito nga eh.. wait lang kasi. Lemme explain naman..
Nyar..
Nung naayos ko na tong pangalawa kong blog, nagsimula ako kagad mag"blog hopping" nang makakilala ng ibang friends naman.. 'Yun blog ni FB ang ka-una unahang blog na nakita ko. Sa blogcatalog pa ata 'yun kung di ako nagkakamali. Pero hindi ko pinansin kasi color black 'yun background color niya tapos white 'yun font. Malabo na mata ko kaya tamad ako magbasa pag ganun 'yun mga site sa internet. So from his links, hop hop hop. Napansin ko na parang kahit hindi na galing sa link list niya yun mga napupuntahan kong site eh kilala paren siya. Grabe. Mr. Popular ang unang site na napuntahan ko at dinedma ko lang. Kaya naman, nagmessage naren ako sa cbox niya. Aba, unti unti kong napansin na masungit pala siya. At parang ang suplado sa akin.
Hmp! Fine.
Kaya dedma na naman ulit. Hahahaha
Pero binabasa ko paren blog niya.. 'yun mga updates lang.. (Tanginang Alien days pa yun)Natatawa naman ako. Eh kasi naman laughtrip. Hehe
Tapos one time, super bored AS IN. Binasa ko lahat ng posts niya sa datkom niya.. Aba'y garabe. Napahanga ako sa kaniya kasi magaling nga naman siya magsulat. And define ROFL. Maygaa. Medyo may pagka-bastos 'yun iba kasi naman no.. basta kayo na magbasa kung ano man 'yun.. hahahaha Tapos minsan ume-emo. Kaso pag humihirit, parang ramdam mo 'yun lutong nung salita. So nawawala 'yun drama kasi matatawa ka na lang =))
Ayun. Naging taga-hanga ako.
Pero na-isip ko hanggang dun na lang.
Kasi ang pakiramdam ko, isa akong loser blogger para sa kaniya. Ayos lang 'yun.
Hindi naman kami magkakilala eh. Hahahaha
Tapos basta.
To cut a long story short.. Naging friends din kami..
Secret Admirer talaga ako dahil ni isang hininga ng pagkakaroon ko ng kras sa kanya eh hindi ko pinaramdam. Sa pagkakataong iyon, ang secret, eh secret. Nyaha. Well, nasabi ko siguro na napahanga niya ko pero 'gang dun lang.
Tapos mag-iinvite sa confe ( sa Y!m), nung una wala lang.. tahitahimik pa ko nun kasi halos wala akong kilala dun sa mga confe na iniinvite niya ko. Tapos nung tumagal niloloko na ko ng mokong na yun. Nilalandi daw ako kuno. Tapos may mga hirit pa na 'siya ang magiging misis ko..' or sumthin' like that..
Jusko.
Edi siyempre natatawa na lang ako. Dahil halos lahat naman ata ng babae dun sa mga confe eh nilalandi nun hahahahha
Ayon. Enjoy naman. Kasi kahit na joke lang 'yun eh kahit na. Hahahaha WEIRDO ampu.
Pero 'wag ka. Tinotoo niya naman.
Tinotoo niya 'yun mga joke niya sa confe. Siyempre hindi ko alam kung bakit.
At siyempre hindi ko talaga siya pinaniniwalaan. Kasi baka nahalata niya lang na kras ko siya kaya naman parang pinaglololoko lang ako nun. Eh tapos biglang hirit naman siya ng, "wag na lang muna naten irarush.. basta walang magbabago satin ah.." Nyayyy. Mukhang sumeseryoso na nga siya..
Tapos jusko ang haba pa ng drama.. Eh ayun. Hindi official na naging kami pero nagkaintindihan na na parang.. ayun nga. Hehe
After nung sobrang habang usapan na 'yun, CLOUD 9 nga (hindi 'yan chocolate umayos ka). Tama si coldman dun sa sinabi niya sa latest entry niya... Sana wala na ngang katapusan.
Nakakatuwa naman kasi pag nagtatampo ako, sabihin ko man o hindi, eh nagguilty naman siya.. Haha Labs talaga ako nun. Aylabyutu. Nyaha
Gusto pa kita makilala ng mas maigi.. Kaya sana 'wag kang maiinis kung tanong ako ng tanong.. Sana rin di ka maubusan ng pasensya sakin.. Kasi makulit ako, selosa (pero hindi ko sinasabi pag nagseselos ako. kaw na bahala makaramdam nun. hehe), malabo (lam mo na.. babae ako eh. ganun talaga.), masungit, matigas ulo, OC, parang tanga minsan (well madalas hahaha), weirdo rin.. at marami ka pang ibang malalaman..
Sabi mo di mo ko papakawalan.. Sabi mo yan ah! Sabi mo yan!
**ilang beses ko na 'yun narinig, pero umaasa paren ako na magkakatotoo 'yun.**
Pati nasabi ko na nga pala sa friends ko.. kaya 'yun nasa itaas na sabi ko gusto ko sana kasama kita pag pinaalam ko sa kanila na may boypren na ko, eh 'wag mo na pansinin. Hehe
'Yun lang sana 'yung gusto ko pero siyempre alanganamang magsinungaling ako sa kanila at itago ko na tayo na di ba. Kaya sinabi ko na. Hehe
------------------------------------------------------------------------------------------
12:08am kami naging kami.. Hindi nga official pero 'yun na ata yun part na umamin na ren ako =))
Pasaway kinikilig ako. Nyaha.
April 9, 2008.
Pinapaalam ko lang.
'Wag ka makeelam blog ko 'to, diba? (antaray. joke lang hehe)
------------------------------------------------------------------------------------------
Siya ang Hari ng Typo at ako ang Reyna niya.
I love you, FB <3
Na-explain nga pala niya sakin bakit siya nagsusuplado sakin dati.
Tsk.
Pasaway.


