---Pangaral ni daddy sakin nung grade school pa 'ko. Hindi daw kasi nakakasigurado na hindi nila 'yun gagamitin pambili ng rugby. O kaya baka ibibigay lang sa magulang nila na gagamitin naman pangsugal o kaya sa mga bisyo nila.
Nung una, todo deadma ako sa mga pulubing namamalimos. Kaso nung tumagal, hindi ko ren sila natiis.
Matigas talaga ang ulo ko.
Kahapon dumaan kami sa gas station sa may Commonwealth ave. bago pumunta ng Baclaran. Si daddy nasa loob ng store bumibili ng tubig at ako naman eh naiwan sa loob ng sasakyan. Nakabukas ang bintana, nakapikit ang mga mata, at nakikinig sa ipod... Ate, ate... May kumakalabit sakin na batang nagbebenta ng sampaguita. Ate, ate, bilhin niyo na po sampung piso lang po.. Para makauwi na po ako.. Sinilip ko muna si daddy, buti na lang busyng busy siya sa loob ng store. Kinuha ko kagad wallet ko at nakitang wala akong kabarya barya. Dalawang 500 lang ang nandun. Eh awang awa na ko dun sa bata, ibinigay ko na 'yun 500. Wala daw siyang panukli, sabi ko kanya na yun. Pinaalis ko na siya, sabi ko pa nga tumakbo na siya hahahaha :)) Nagpasalamat siya at grabe ang ngiti sa kanyang mukha. Ang sarap talaga ng pakiramdam.
'Yun nga lang, nawalan ako ng 500 ng ganun ganun na lang, pero at least makakauwi na yun bata.
Shet.
Akala ko nga nasapian lang ako kaya ko 'yun nagawa pero 'gang ngayon ang sarap paren ng pakiramdam ko :)
Pagdating sa Baclaran, hindi na kami pumasok sa loob kasi sobrang init! Graahhrr. So sa labas kami nakatayo habang nagnnovena.
Sa kalagitnaan ng misa, may napansin akong mama na nakaupo sa may hagdan na may hawak na bata. Napansin ko na sobrang laki nung size nung ulo ng bata. As in 'yun sakit na napapsobra yun paglaki ng utak. Tae kasi hindi ko malaman laman yun tawag dun sa sakit na yun. (kung merong may alam, pakisabi naman sakin kung ano tawag dun hehe) Grabe ang awa na naramdaman ko. Sobra talaga. Nawala na ko sa dinadasal ko at pinagdasal ko na lang 'yun bata at yun tatay niya. Na sana gumaling yun bata, na sana maka ahon sila sa hirap na dinaranas nila, na sana hindi sila maubusan ng kakainin, na sana hindi sila mawalan ng tinitirahan, na sana hindi na sila magkasakit pa, na sana ilayo sila sa panganib, na sana maging masaya sila, na sana hindi magsawa yun tatay nung bata na alagaan siya, na sana, na sana, na sana, meron akong pera para mapagamot ko 'yun bata... Hindi ko na mapigilan ang luha ko kaya sabi ko kay daddy magcconfess lang ako, pero pumasok lang ako sa loob ng simbahan at tahimik na umiyak sa isang sulok. Grabe ang lungkot ko. Paglabas ko, inabot ko yun natirang 500pesos sa wallet ko dun sa mama na may hawak dun sa bata. Takang taka yun itsura niya pero hindi na ko nagsalita, umalis na ko kagad at naiiyak na naman ako.
Kahit na ganun, masarap sa pakiramdam kapag nakakatulong ka sa iba.
Maliit na halaga lang ang naibigay ko, but I'm just starting.
Josko. Allowance ko ata 'yun.
Pero kahit na. Hindi naman ako namatay nung pinamigay ko lahat ng pera sa wallet ko eh. Buhay pa naman ako, thank goodness. Lol
I can't wait 'til I graduate from college and have my own business/job whatever, para maka-ipon na ko ng pera tapos makakatulong na ko sa mga tao hanggang sa maubos pera ko. Gusto ko lang tumulong. Tumulong ng tumulong, magbigay ng magbigay hanggang sa maubusan na ko para sa sarili ko. Sa totoo lang, wala na kong gagawin sa pera. Hindi ko naman na kailangan 'yun eh. May sarili naman kaming bahay, may sariling kotse, nakakakain naman kami tatlong beses araw-araw, kung magkasakit man kami may naipon namang pera para panggastos, may pambayad naman kami ng kuryente at tubig. Kaya ano pa ang gagawin ko sa pera na maiipon ko kapag nagkatrabaho na ko? Di ba?
Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito.
Parating ganito na lang ang nangyayare sakin.
Pinarusahan ata ako.
Parang palagi na lang akong kahati sa mga pagdadalamhati ng mga taong naghihirap/nalulungkot.
Nyetaaaaaaahhhh.
Masakit sa ulo no.
Masakit din sa damdamin.
Tangina ko kasi eh.
Iyakin pa.
Lintek.
Pinarusahan nga ata talaga ako.
Unli na ko. Text text tayo. =))))))



(literal na ibig sabihin ay may tubig sa utak)
kaya hindi na ako naglalalabas.